apathetic
yep ako'y confused pero nakangiting naglalakad sa cloud 9 ng aking buhay...
sa aking mundo ako ang boss...ako lang ang nagpapatakno nito, sana'y ako sa mundong walang pakealaman...eh ba't ganito...hinhayaan ko ang sarili ko na maapektuhan ng ganito...bakit parang natutuwa o nasisiyahan ako pag kasama ko siya...eh kung tutuusin eh wala namang sense halos ang pinag-uusapan namin...ba't ba to nangyayari...ang hirap pre!
apathetic- sabi sa diksyunaryo na aking kinunsulta kanina, eto ang tamang description sa taong walang pakialam...pero sa aking sariling diksyunaryo synonymous eto sa maggi...yep ako po yun...isang taong walang pakialam!...insensitive, unfeeling...yan ang perfect description sa akin...sabi sakin ng teacher ko sa Span 1 dati, matigas daw ang loob ko, pag tiningnan mo daw ako makikita mo ang katigasan ng aking kalooban...oo tama siya ako'y isang taong bato...
napakakonti nila na nakakapasok sa aking mundo...konti lang silang tinatawag kong kaibigan...sila ang mga taong nakakatibag ng bato at yelong nakapalibot sa aking pagkatao...sila lang ang mga taong alam kung anong tumatakbo sa isip ko...at konti lang ang taong pinapapasok ko sa aking mundo...eh ba't nung last akong nag-reality check, eh nakita ko nakatapak na yung isang paa niya sa pinto ng aking mundo...hindi pa siya tuluyang nakakapasok pero may ideya na siya nang kung ano ang meron sa mundo ko....shet! ang lalim na ata pre...
nakakagulo ng utak ang isinusulat ko dito...nalilito ako...
confused; hyper; walking on a cloud 9 yan ang nararamdaman ko ngayon...sana siya rin at nang alam ko na di ako nag-iisa...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home