queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Thursday, May 12, 2005

malupit ang summer

masaya dapat ang summer di ba?...halos lahat nagbi-beach, nagpapa-tan, nagsusuot ng mga "skimpy" clothing dahil nga mainit...

kahit mainit ang panahon...masaya pa rin naman...

pero para sakin malupit ang partikular na summer na ito...maganda sana ang summer romance na tinatawag...pero pangit kapag one-sided at lumabas pa na na-reject ka...

matagal na panahon ang nagdaan bago ulit ako nagkagusto sa isang lalaki...almost two years na ata...akala ko pa naman siya na...natuto ulit akong magkagusto at magtiwala...yun pala di naman dapat...di naman pala para sakin...ang pangit naman nun!

ang pangit ng feeling...

di naman ako ang lumapit...din naman ako ang nagyayang lumabas...ni hindi ako nag-effort...di rin ako nagmadali kahit na naniniwala at nabubuhay ako sa mabilis na mundo...pumasok pasok siya sa buhay ko...ginulo niya ang tahimik kong mundo...tapos bigla siyang umatras...bakit?

di ko siya hinabol nung una...ngunit pano ko malalaman ang sagot kung hindi ako magtatanong...pano ko malalaman kung may patutunguhan pa kung hindi ko kakausapin...at yun nga ang aking ginawa...na isang malaking pagkakamali...ngunit tama pa rin naman...ang labo!

nalaman ko ang sagot sa aking mga katanungan...wala naman akong dapat na ipaghintay...wala akong dapat asahan...wala...wala...wala...

nakakalungot...ang pangit ng feeling na ma-reject...di ka naman lumapit...di ka naman nanggulo...nang nagugustuhan mo na siya...saka naman siya umalis at umatras...naiwan ka sa ere...ngayon na-reject ka pa...hindi nga lang deretsahan...still rejection pa rin yun...nakakalungkot!

ang tanging maganda ko na lang na naiisip...at nakapagpapasaya sa akin...kunswelo de bobo kumbaga...di pa naman siya nakarating sa point na minahal ko na siya...nagugustuhan ko pa lang naman...di ko pa siya minamahal...mabuti na lang...mas mabilis na tanggapin kapag ganun...

sana lang wag na niyang gawin sa iba...

masakit ma-reject!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home