backstreet boys fanatic

para akong bumalik sa high school ng aking mapanood sa myx ang song ng backstreet boys na "incomplete"...ilang taon nga ba ang nagdaan bago sila gumawa ulit ng album...5 taon? o baka mahigit pa...di ko na matandaan...nagkaroon pa ng pagpapakita ng mga lumang music videos sa myx sa kanilang myx presents...laong tumindi ang naramdaman kong pangungulila sa kanila...
year 1996- 1st year ako...na-hook ako sa backstreet sa kanilang kantang "quit playing games with my heart" dahil nung time na yun, yun ang napiling presentation ng mga 2nd year students sa school namin para sa kanilang PE Day...at sikat na sikat ang dance step na itinututo ni "nyobol" isang PE teacher na sobrang taba na tumatalon ang mga taba nya kasabay ng kanyang pagsasayaw...dun ako nagsimulang ma-adik sa backstreet...
kasabay din noon ay ang pagkakabuo ng grupo ng BSB sa aming klase...isang grupo na fanatic sa backstreet boys... na palaging nauuna na magkaroon ng songhits kung saan naroon ang nga poster ng backstreet...na nauunang makabisado ang mga bagong kanta ng backstreets...ngunit hindi backstreet boys ang ibig sabihin ng BSB...sadyang ikinabit na lamang ito sa backstreet boys dahil sa pagka-fanatic namin...
ilang taon ding nagkasama sama kami sa saliw ng kanta at sayaw ng backstreet boys..tuwing xmas party kanta ng grupong ito ang aming presentation...nanalo akong miss girl scout dahil din sa isa sa mga kanta nila na kinanta ko ng live at walang minus one...ito ang naging bond sa aming pagsasamahan...di pwedeng di mabanggit ang grupong ito pag kami ang pinag-uusapan...
kaso ng bandang 2000 humina yung grupo nila...dahil nagsulputan ang iba pang boy bands...nagka-album pa rin sila nung college na ako...magaganda pa rin ang kanta nila...kaso sa pagtagal ng panahon nawala sila...nalungkot ako ngunit di ko ito masyadong dinibdib dahil sadyang may mas importanteng mga bagay kesa sa pagkawala ng isang paboritong boyband...
hanggang sa napanood ko sa myx ang music video nilang 'incomplete' sa album nilang "never gone"...para akong nag-time travel at muling bumalik sa panahon kung saan ang mga bagay ay hindi pa ganoon kakumplikado...sa panahon kung saan sa bawat pagtatapos ng klase ay magkakasama ang barkada, nakatambay at kumakanta ng mga kanta na backstreet...sa panahon kung saan pwede kang maging masaya sa mga simpleng bagay...sa panahon na tinatawag ng lahat na pinakamasaya ang " high school life"
hay...nakakatuwang mag-reminisce lalo pa't sinasabayan ito ng paborito kong boyband...kung sana ganoon lang kasimple ang lahat...at hindi natin kelangang tumanda...at patuloy lamang ang buhay at patuloy ang kasiyahan sa simpleng saliw ng mga kanta ng backstreet boys...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home