queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Sunday, September 11, 2005

isang masayang sabado...ext. linggo

after almost 3 months...nagkasama sama ulit kami nina maine at ayen..ang venue siempre and aming humble home,hehe...

habang hinihintay si tins na dumating...pinakain ko sila ng aking ipinagmamalaking stapegi...nasarapan naman siguro sila...i hope...at si ayen ay forever pa ring nanonood ng UAAP game sa studio 23 eh talong talo na naman ang UP...napaka-fanatic talaga nitong si ayen...SOAR HIGHER daw ang drama

then dumating na si tins...at dahil kami'y ay kasalukuyang walang stock na pagkain sa ref...ang aming dinner ay ang famous bbq sa may tabi tabi...

then nanood kami ng romy and michele's high school reunion na sobrang corny...at hindi na nakayanan ni maine at siya'y gumive up na at natulog kasama ang mga scented candles...habang ako, tins at ayen at nagmamarathon sa kwentuhan...pinipilit pagkasyahin ang sari saring kwento sa loob ng ilang oras...mga usual topic, paulit ulit na topic at mga bagong topic...nanood ulit kami ng while you were sleeping while maine is sleeping...at kwentuhan marathon uli... hanggang sa kami ay igupo ng antok...at sa mga oras na iyon ay kasalukuyang pinapatugtog sa mellow touch 94.7 ang I BELIEVE na isinalin sa Filipino ni Jimmy Bondoc...at eto ang theme song ng My Sassy Girl...na hanggang ngayon ay di pa rin napapanood ni tins...

kinaumagahan...dahil nga sa walang stock...nilagang saging na saba ang ipinakain namin kina maine at ayen...nakakatuwa kasi magkakasama ulit kami...at akala ko eh maagang maaga sila aalis...nag-stay pa sila ng hanggang 12 noon...ang saya di ba...

ang daming napag-usapan...ang lovelife ni maine...ang lovelife ni tins...ang lovelife ko...at ayen may lovelife ka ba? hehehe

sana maulit muli...
...at dapat kumpleto na sa uulitin

1 Comments:

  • At 5:55 AM, Blogger aiene said…

    oo na...wala akong maikwento. wala. nada. null. nil. zero. oks na ba yun? hmmpf! yaan nyo, maghahanap ako...ASAP! hehe Ü

     

Post a Comment

<< Home