queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Tuesday, November 22, 2005

para sayo...alam mo kung sino ka....

hindi ko alam kung tama na idaan ko dito ang mga bagay bagay na dapat ay pinag-uusapan ng personal...siguro mas mabuti ang ganito dahil hindi rin naman ako magtatyaga na makinig sayo dahil ilang daang beses ko nang narinig ang mga kwento mo..paulit ulit na lang...ang boring...
nakakapagod...

ang mga sasabihin ko dito ay hindi lamang personal na obserbasyon...halos lahat kami ay iisa ang pananaw siguto tama ako pag sinabi ko na ito rin ang sasabihin nila sayo...ako lang ang merong lakas ng loob na magsalita dahil matagal na rin naman kaming nananahimik...

ilang taon na nga ba tayong nagkasama sama...anim na taon...malapit nang mag-pitong taon...sa tinagal tagal nating magkakasama alam ko na alam mo na kilala natin ang isa't isa...ilang beses na ba tayong nag-bonding...nag-uusap hanggang sa madaling araw...ilang libong beses na ba tayong nag-overnight ng magkakasama...bumababa sa mcdo para kumain ng mcflurry...magkakasama sa halos lahat ng lakaran...kaya nga nabuo ang mystic knights of tir na nog...sa loob ng mga panahong ginagawa natin ito...nakikinig tayo sa problema ng isa't isa...dumaan ang panahon na nahumaling ako sa isang relasyon na di naman karapat dapat...nagalit kayo...nagcomment kayo ng masasama...matagal bago ako nakinig...pero ng nagdesisyon akong tapusin ang lahat...tinapos ko ang lahat...at tumayo ako sa kung saan ako nadapa...at tinaggap nyo ulit ako sa kung ano ako...

ngunit masakit man sigurong marinig ang susunod kung mga sasabihin...
sasabihin ko pa rin at sana maging handa kang tanggapin ang sasabihin ko at huwag mong isara ang utak mo sa lahat ng ito...sa mahigit anim na taon nating pagsasama sama...nakinig kami sayo...sinuportahan ka namin...nandoon kami para sayo...nang mga panahong ito ay nasa isang magulong relasyon ka rin...tinanggap namin na mahal mo ang walanghiyang lalaking iyon...ngunit hanggang doon lang ang kaya naming ibigay...nagpayo kami...halos isang libong overnight din ang ginugol namin para makinig sayo...hindi namin minsan man kinalimutan na kaibigan ka namin...inintindi ka namin...

sa mga panahong ito alam naming di mo kami pinakinggan...pano ko nasabi ito?...dahil paulit ulit lang naman ang kwento mo...walang pagbabago...problema sa walang kwenta mong boypren...sa pambababae nya...naalala ko pa...ok lang yun as long as ikaw ang una at legal na gerlpren nya...tama ba naman yun?...mababaw pa nga yung problema mo nang mga panahong yun eh...wala pa sa problema ng ibang tao sa mundo...akala namin hanggang ganun lang ang lahat...umasa kami na isang araw matatauhan ka rin...hihiwalayan mo rin siya...ngunit di nangyari yun...bagkus nadagdagan pa ng isang mas malaking episode ang buhay mo....

nabuntis ka...ang nakakatawa pa ni hindi mo alam kung paano nangyari yun...sa totoo lang di na uso ang immaculate conception...sa panahon lang ni mama mary nangyari yun...ngunit iginiit mo ang kung anumang pinaninindigan mo...di mo alam kung pano nangyari yun...eh di sige...ayos lang...huwag na nating problemahin yun...may mas malaki pang naghihintay sayo...siguro naman ay hindi mo dinamdam na di kami makatulong financially dahil kami rin ay naghihikahos sa buhay at walang mga trabaho...nakaraos ka...iniluwal mo siya...ngunit di pala dun natapos ang lahat...sayo na rin mismo nanggaling kung paano ka trinato ng walanghiyang lalaking yun sa panahon na dinadala mo ang bata...binalewala ka niya...nasa kandungan siya ng iba...na dapat ay kasama mo sya...inaalagaan ka dapat niya...ngunit nasan siya...nawawala...nagpapakasaya...nagbubuhay binata...ngunit di ka pa sumuko sa kabila ng lahat ng tsismis na narinig mo...umasa ka pa rin sa kanya...wala siyang maibibigay sayo...yung anak mo na lang ang asikasuhin mo...

akala namin tapos na ang lahat..ngunit heto na naman...pumasok ka sa isang bagay na hindi ko lubos akalain na magagawa mo...sa kabila nang mga nagyari sayo di ka pa rin natututo...may isang lalaki na naman sa buhay mo...okay given na mabait yan o kung ano pa man yan...isa lang ang point ko dito...sa totoo lang wala kang karapatang pumasok sa isang relasyon ngayon...ilang buwan pa lang ba ang nakakaraan mula ng mangyari ang lahat...tapos heto ka na naman...nagpapakatanga...alam mong may responsabilidad ka...dapat nasa kanya lang ang atensyon mo...alam namin ko ano ang sitwasyon mo financially or otherwise...ngunit heto ka...nagbubuhay dalaga...tama you read it right...nagbubuhay dalaga ka...pasensya ngunit masakit talaga ako magsalita...

may responsabilidad ka...mahal ang bilihin ngayon...alam ko na di kayo nabubuhay ng maalwan sa probinsiya...gusto mo mag-aral...fine...
nagtatrabaho ka...fine...ngunit nag-boypren ka...well hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sayo...sabi mo sa isang blog mo marami kang kwento ngunit di ka magkukwento kasi baka mapagod ka lang...hindi rin kami makikinig alam mo kung bakit? kasi matagal na kaming pagod sa pakikinig at pag-intindi sayo...nakakasawa kang maging kaibigan...walang bago sayo kagaya ka pa rin ng dati...may problema na nga dinagdagan mo pa...may mga bagay kang ikwenento sa isa sa amin...alam namin yun..ganun naman talaga ang alam ng isa ay eventually malalaman ng lahat...

sa ngayon di ka namin pinapansin...di ka naman siguro sobrang tanga para di mo marealize yun...walang gustong makinig sayo ngayon...di ka man nagkukwento alam namin kung ano ang ginagawa mo...matapang ka ngayon kasi nandyan ang bago mong boypren...may masasandalan ka...masaya ka ngayon...ewan ko kung hanggang kelan...hindi ko hinuhusgahan ang boypren mo...di ko naman siya kilala...ngunit kung ako ang nasa katayuan mo...di na ko papasok sa isang relasyon...aasikasuhin ko ang anak ko...magtatapos ako...aayusin ko ang buhay ko para sa anak ko...narinig ko di ka umuwi...samantalang dati eh ni hindi ka makapaghintay na hindi umuwi para makita ang anak mo...ano ang rason mo?...kasi naghahanap ka ng trabaho...hindi lang yun ang rason...nahihibang ka sa bago mong boypren..yun ang rason!

pagod na kaming makinig at panoorin ka...isa kang mahabang teleserye na walang katapusan at puro katangahan ang ginagawa...nadapa ka na...ngunit hindi ka pa bumangon...inilugmok mo pa uli ang sarili mo...hindi lang sa pagkalimot sa tatay ng anak mo ang ibig sabihin ng pagbangon...pagbangon sa lahat...pag-ayos sa buhay mo...ngunit di mo magawa gawa...mahina kang masyado...natututunan ang katapangan...hindi ka nabubuhay ng ayon sa dapat...magulo kang masyado...

halos pare pareho kami ng pananaw...magkakaiba nga lang siguro kung pano namin ito ipinapahayag...masakit ako magsalita...sana ay di mo na marinig pa ang sinasabi ng iba...mas masakit sa kaya kong sabihin...

ayoko mang sabihin ito...ngunit masyado mo kaming na-disappoint... kaibigan ka pa ba namin?hindi ko alam...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home