queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Monday, January 16, 2006

meet the parents!

eto na ikekwento ko na ang nangyari sa "meet the parents"...

dapat sana dun ako kina francis magno-noche buena...ngunit may exchange gifts sa antipolo at nakakahiya naman na wala ako dun dabah! anyway 25 na ko nagpunta nang cavite...paskong pasko...

mabuti na lang walang traffic kaya after 1 and 1/2 hours eh nasa cavite na ko...pagtawag ko kina francis aba umalis na pala ang mokong para sunduin ako...wala akong dalang cellphone, wala rin siyang dalang cellphone at san kaya sa bayan ng dasma ako tatambay para magkita kami...langhiyang buhay to...30 minutes ata akong naghintay...nagpalipat lipat ng pwesto...lahat ng lalaking nakikita ko eh nagiging kamukha na ni francis...finally dumating din siya...at siempre mainit na ang ulo ko...di ko nga sya kinausap...

habang nasa jeep ay kinalma ko ang aking sarili dahil alangan namang humarap ako sa magulang niya na nakasimangot di ba!...

well eto na...mabuti na lang may ibang bisita pagdating ko dun...nagmano ako sa tatay niya at auntie at eto na talaga...lumabas ng kwarto ang nanay...hmm...matangkad siya at ang taray ng mukha...nakakatakot...sa hiya at nerbyos ko di ako nakapagmano dahil baka sabihin niya feeling ako di ba! nag-greet na lang ako ng gud afternun at meri xmas...at inintroduce pa ko ni francis sa the rest of the family....whew! kala ko okay na kasi nakapg-lunch na kami and all...bigla akong tinawag ng tatay niya...pinalapit ako sa nanay ni francis at tinanong kung nagmano daw ba ako ...sabi ko hindi po...at pinagmano niya ako kaso matagal na ibinigay ng nanay ni francis ang kanyang kamay at nang nakapagmano na ako saka ko lang napansin na teary eyed siya...ang rason
1.) nagseselos siya sa akin
2.) nagtatampo siya dahil di daw ako nagmano
3.) di ko daw siya kinakausap

well ang side ko naman what do you expect...this is the first time na naipakilala ako sa magulang at di alam kung pano magre-react...

anyweiz the rest of the afternoon ay nagkekwentuhan kami ni papa doroy (father ni francis) at tungkol sa pag-aasawahan na ang pinag-uusapan namin at puro tango at opo lamang ang aking tugon sa mahigit dalawang oras na ako'y kanyang kinausap...at habang nangyayari ito ang mga babae dun sa bahay na yun (mama ni francis, tita niya,pinsan niya,gf ng pinsan niya,pati si huhu na pamangkin niya) ay nasa dining table at siguro'y ako'y kanilang pinag-uusapan...ina-asses?...whatever!

anyweiz buti na lang balik hongkong na ulit ang kanyang mama...at kahit di kami nagkasundo okay lang...basta wag lang niya ko aawayin dahil di ko naman inaagaw ang kanyang anak...tsaka understandable naman na ganoon ang reaction niya dahil one and only son nga naman etong si papa francis

0 Comments:

Post a Comment

<< Home