queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Saturday, June 02, 2007

long distance relationship...

ang hirap pag malayo ka...

dati palagi akong may kasama sa lahat ng lakad..pag malayo ang pupuntahan isang tawag lang anjan ka na para samahan ako...pag ginabi ako sa kung saan,isang text lang anjan ka agad para sunduin ako..

kapag sabado o linggo di ako nangangamba sa isang malungkot na araw dahil anjan ka..para ako'y pasayahin kahit na corny palagi ang mga jokes mo..kahit na minsan sobrang kenkoy ka at di ka na nakakatuwa..anjan ka para pasayahin ang araw ko at palagi akong masaya na isipin na magkikita tayo..

dati rati may nakukurot ako..nalalambing at kapag sobrang lambing ang gusto ko anjan ka at ang braso mo para kagatin ko (masyado bang bulgar?!?)..anjan ka para yakapin ko ng sobrang higpit..anjan ka para hagkan kapag gusto kong ipakita at ipadama na sobrang mahal kita...minsan nagagalit ka pa nga kasi sinasabi mo PDA ako...di naman masyado at pakelam ba nila eh di maghanap din sila ng boyfriend...

anjan ka sa lahat ng panahon..nang mga panahong kailangan ko ng katulong sa paglilipat ng bahay..anjan ka para tulungan ako..nang kailangang may sumundo sa kapatid ko..anjan ka para gawin para sakin yun kasi wala pa kong tulog ng mga panahong yun...ikaw ang taga-bili ng ulam at coke sa tindahan..at ikaw din ang taga-punas pag ako'y nagwawala at nalalasing ng sobra...

anjan ka para intindihin ako...walang panalo sayo ang mga tantrums ko...ikaw ang umiintindi sa lahat ng mga pagkukulang ko...anjan ka at patuloy na nagmamahal kahit na ilang beses kong inisip na iwan ka...ngunit di ka bumitaw (literally and figuratively)...di mo ko iniwan sa bawat panahon na kailangan kita...

ngunit ngayon nasan ka na...ang layo mo na sa akin...nahihirapan ako alam mo ba..ngunit alam kong ikaw rin..pero bakit kasi ganun..ba't kelangang nasa malayo ka...

kapag kailangan ko nga kasama...lalakad akong mag-isa..abutin man ako ng gabi sa daan kelangan kong maging matapang dahil nasa malayo ka..wala akong mayakap kapag gusto kong maglambing..wala akong mapagkwentuhan ng mga nararamdaman ko..wala ang dating tagapakinig sa mga drama ko sa buhay..

ngayon...pinangangambahan ko ang umuwi sa bahay lalo na kapag wala akong pasok..wala ka upang aking hintayin..masyadong malungkot ang apartment natin alam mo ba...kaya ayos lang gumala ko kahit saan...mas malayo mas masaya abutin man ako ng gabi ayos lang..mas maigi ang ganito para tulog na agad..at di na kita isipin pa...

alam mo ba..may mga gabi na ako'y umiiyak..hinahanap kita...minsan nakatitig sa kawalan at iniisip ang mga iniwan mo sakin..tanging mga alaala...

di sapat ang unlitxt o unlicall...isa lang ang gusto ko..sana'y bumalik ka na..ang hirap ng mag-isa..ikaw kasi,masyado mo ko sinanay na anjan ka lang palagi..nahihirapan tuloy ako..marami ang nagsabi sakin..mahalin kita ng sobra dahil wala na kong mahahanap na kagaya mo..sabi nila hahanapin kita kapag nawala ka...well,tama sila..tama silang lahat...

hanggang kelan kaya tayo ganito...

sana lang di tayo matulad sa iba..sabi ko "long distance relationship don't work"...pero eto tayo ngayon..dito masusubok ang tatag ng ating relasyon..matutulad kaya tayo sa kanila..na tinibag ng layo ang pagsasama...sana hindi tayo dumating sa ganun...hindi ko alam kung kakayanin ko pag nagkataon...

miss na miss na kita alam mo ba..

maghihintay na lang ako...

--my corniest blog ever--


---habang ginagawa ko to..kausap ko si porn king (teammate)..at sinisira niya momentum ng pag-eemote ko---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home