queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Tuesday, April 18, 2006

holy week in Cavite

every holy week ay sa province ako nag-i-stay...pero kakaiba ang nakaraang holy week na ito...why?...i stayed w/ my future in laws...hahaha...
well ganun na nga sa Cavite ako nag-spend ng holy week...sobrang kakaibang experience talaga to dahil noon lang ako ulit dumalaw dun after ng isang di kagandahang pagbisita sa kanila nung xmas...
sa Cavite...
maundy thursday passed na parang ganun lang...siempre wala akong ginawa kundi matulog dahil galing pa ko ng work nun at nakakapagod magbyahe...
good friday medyo kakaiba dahil umaga pa lang inutusan na ako ni francis na maligo dahil bawal daw maligo pagdating ng 3pm...well i've heard of this pamahiin kung yun man ang tawag dun...ngunit di ko akalain na ako mismo ang gagawa nun...no choice kaya sumunod na lang ako...kahit na medyo tinatamad tamad pa ako...sa hapon nag-SIETE PALABRAS kami nina papa Doroy...nanood ng prusisyon...para pa rin naman akong nasa probinsiya iba nga lang ang aking mga kasama...napansin ko na medyo mahaba at madumi na ang aking kuko so humiram ako kay francis ng nail cutter ngunit again di niya ko pinagbigyan dahil masama daw maggupit ng kuko kapag biernes santo...kakaiba talaga...
black saturday and easter sunday passed na parang ordinaryong araw lang...
ang highlights ng aking pag-stay kina francis ay sa tinagal tagal na panahon nakatikim ulit ako ng gulay na langka...ng masarap na ulam dahil masarap talagang magluto si ninang Flor...ang forever na pagkukwentuhan namin ni papa Doroy na merong kwento sa bawat kamag-anak nila...ang matulog at kumain na walang sumisita sayo...at siempre ang makasama si francis for 4 straight days...
dahil dito parang mas lumalim ang relationship namin ni francis...basta hirap i-explain...isa lang ang napansin ko...at ease ako sa place nila...bakit kaya?...

2 Comments:

  • At 1:38 AM, Blogger mark said…

    baka crush mo sya. hehehe...

     
  • At 1:23 AM, Blogger qiqo said…

    madir, aasensyo kaya kayo? puro pamahiin kayo ah

     

Post a Comment

<< Home