queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Sunday, June 19, 2005

magulo na naman ang mundo ko...

as ususal gumugulo na naman ang mundo ko...wala lang trip ko lang maging magulo siya this past few days...maging sec ka ba naman kasi ng isang org na may pagkadiktadura...isa po kaming puppet government...ano ang silbi ng pakakahalal kung hindi mo mapapalakad ang organisasyon...kung may ibang mas nakatatandang tao na gustong magpatakbo nito...sadya atang ang kapangyarihan ay nakakalasing...ayaw mo nang bitiwan kapag ito'y iyong natikman...ganito na nga ata ang nangyayari....

sabihin na natin na kami ang nasa posisyon...enggrande ang pagtake ng oath to serve the pipol of FLIPP...may kasama pang gulong gulong sa putikan...madumi ang oath taking...pero di bale na...feel na feel ko na sana...actually matagal ko nang feel ang pagiging officer...FOPC pa lamang kina-career ko na at ng iba kong kasamahan ang aming trabaho...marami kaming magagandang plano...maraming gustong ayusin...basta marami...ngunit paano mo pa magagawa ang mga iyon kung may mga humahadlang...hindi naman hantarang panghahadlang ang nangyayari, nararamdaman mo lang na di pa sila o siya makaget-over sa posisyon na dati niyang hinawakan...at magkaroon ka ba naman kasi ng namumuno na salungat din nga sa mga nangyayari pero napaka-NR naman ng reaksiyon...nakakadismaya!

sana naman maisip niya na kahit kami'y baguhan sa posisyon eh hindi naman kami batang munti na kailangang pangunahan...kung kami'y gagabayan ayos lang...pero kapag pinapangunahan na at ipinamumukha pa na sila ang founding mems at sila'y narito pa rin at hindi gumagradweyt...ibang usapan na yan...kasalanan ba namin yun?

marami akong naiipong hinanakit kapag organisasyon na ang pinag-uusapan...kina-career ko kasi ang ganitong mga bagay...sabi nila i was born to be a leader...kaya maangas din ako...mayabang ang dating...di lang masyadong halata...ayoko na natatapakan...kaya kung sumunod wag lang akong aapakan at wag lang akong pamumukhaan na nakakataas ka sa akin...ibang usapan na yan...galit na ba ako?...hindi pa naman...

sabi nga ng isa kong kaibigan...do not wallow...pero sori we wanna wallow...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home