queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Saturday, February 11, 2006

9th year anib?!?

nung una kong nalaman na magkakaron ng sosyalan na anib sa mayon...mejo na-disappoint ako...dahil ang akong nabalitaan eh gaganapin ito sa isang bar kung saan wala talagang gagawing preparations ang mga resident mems...hindi ko mapigil na maikumpara ito sa time namin kung saan kami halos ang gumagawa ng lahat...sa pagluto ng forever pancit/bihon, paggawa ng sandwich na may napakanipis ng palaman, sa pagbili ng mga kakailanganing gamit, pag-decorate sa tambayan at pag-iimbita sa mga nagpapa-feeling importante na alumni...

ngunit di ko naman maaring diktahan ang mga residente dahil diskarte nila yun ang inerereklamo ko lang eh mejo mahal ang babayaran and again walang effort (ehpurt o airport -na ehpurt din ang pagkakapronounce)

napilitan akong pumunta dahil nang minsang dumaan ako ng tambayan eh tie-up pala ito sa ibang org at may kikitain at kelangang magbenta ng tiket...so tinanggap ko ang tiket at nag-decide na pumunta at isama si francis...nag-expect ako na pupunta din ang aking mga kaibigan...ngunit dahil sa iba't ibang kadahilanan eh hindi sila makakarating...nakakalungkot!

sa mismong araw ng event...

dumating kami ni francis mga bandang 9pm at naabutan namin dun si amavi at isang alumni na toni(male etoh) ang pangalan...nagtanong sila sa kung anong mangyayari, nang i-explain ko sa kanila at nakita nilang hindi ang mayon ang major sponsor at kumbaga tayo'y makikisawsaw lang sa ibang org ay nalukot ang mukha ni amavi...at sinabi niya na ganun lang pala, di na lang daw sila aatend...at kanyang tinext at tinawagan ang iba sanang alumni na may balak pang umatend at siguroy kinumbiinsi nya na wag na lang pumunta dahil ganun lang naman pala ang magaganap...gusto ko silang pigilan dahil alam kong madidismaya ang mga residente dahil kahit paano eh ini-expect nilang maging success ung event dahil yun nga yung hinihingi ng alumni...na iba naman daw na klase ng celebration at hindi palaging sa tambayan na lang mag-celebrate...ngunit di ko ginawa dahil naiinis na rin ako sa pagmumukha ni amavi na numero unong reklamador sa lahat ng mga alumni na aking nakilala...at ayun nga umalis sila...nainis ako dahil ganun ganun lang, at ako rin naman nag-expect na madaming alumni na pupunta ngunit ganun ang nangyari...

dahil sa pangyayaring yun, napagpasiyahan namin ni francis na maglakad lakad muna habang hinihintay ang mga residente at bumili ng yosi...maya maya pa eh nag-miscol na sila at andun na daw sila sa dish...nang makarating kami dun ni francis ay inexplain ko kay ann ang mga pangyayari at nakita ko sa mukha niya na disappointed siya...at naiintindihan ko siya...ang mga umatend? pare parehong tao na nakita ko nang nagpunta ako sa tambayan...ann, jane, honey, pert, xian, dg, ward, bam, dessa?(di ko sure name nya new mem sya)...at sa kabilang mesa na malayo sa mesa namin madz, julie, apple, shemah, meryl at cha...yun lang ang mga dumating...
nakakadown...mabuti na lang at enjoy ung dating game dahil sobrang funny ng mga searchee...kaya medyo nabuhayan ang mga mayon pips...madaming ticket na di nagamit pero pinatatakan pa rin ni jane kaya nagamit namin yung mga stub ng free drinks (menos gastos)...mejo nabuhay buhayan pa nang magsimula nang magsayawan sa gitna nag dance floor...dahil sobrang tagal na kong walang practice kaya todo sayaw ang lola mo...yun nga lang di ko napilit si francis na sumayaw...
nang mga girls naman ang naging searchee...lalong naging masaya dahil si searchee #6 eh puro kalokohan ang sagot
Q: naniniwala ba kayo sa courtship? why or why not?
A(ni searchee #6): siempre dahil sa courtship libre, palaging libre..mas matagal na courtship mas madaming libre
Q:hotdog o cheesedog?
A: hotdog kasi tssssssst(tunog nang napapaso)...HOT!
Q:pinakamagandang part ng katawan mo?
A: my humps
Q:bat ang dami mong fans?
A: obssess lang sila sakin
Q:kamukha mong artista?
A: wala, unique ako
Q: title ng love story nyo ng searcher
A: KAPRITSO!
Q:why?
A: sa ngayon kapritso mo lang ako, pero pag tumagal ako'y iyong magiging BISYO!
well dahil sa kanyang witty answers siya ang napili ng searcher...
ok naman sana ang so called anib...un nga lang di na-meet ang aking expectations...ini-expect ko na maraming dumating na mems, napaka-konti...nakakalungkot
but well bakit pa nga ba iisipin ang kalungkutan kung may chance naman para magsaya...at yun nga ang aming ginawa...sana sa susunod eh maging mas masaya...sana maging supportive ang alumni, dahil narealize ko...nung time ko ayoko nang pinakekelaman ang aking diskarte...kaya dapat na di rin pakelaman ang diskarte ng mga residente...sana kung magrerequest sila at kahit papano eh tinupad naman ang request nila sana suportahan nila kahit papano...sana walang gaanong reklamo na sabihin si amavi...sobra siyang mareklamo eh bumalik kaya siya sa pagka-residente kung gusto niya...sana maging active ang mga bagong member...sa kanila nakasalalay ang mga susunod na mangyayari sa org...
kahit pala pinag-aralan kong -detach ang sarili ko sa org...hindi ko pa rin naman lubusang magagawa...nabawasan lang ang oras para sa kanila...ngunit nanatili pa rin ang pagiging isang totoong uragon!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home