queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Wednesday, February 22, 2006

no FAIRmit, no RALLY

nang nakaraang sabado eh lumabas kami ng mga knights minus maine at nag-fair... bago pa man mag-fair ay paulit ulit kung sinasabi na sana may makasalubong tayong kakilala, lao na mga mayon pips...na-miss ko kasi yung fair nung isang taon kung saan nakompleto ko siya at may booth pa yung mayon...kahit na nakakapagod magpaypay at magtinda ng isaw ayos lang kasi madami namang mayonaise na nandun...
nasa haus pa lang kami ni tins eh napansin ka na...she's ready to get her man (if the man appears,hehe)...nagpaka-gurlash ang lola mo...talagang sinigurado niya na she'll appear pretty to her one and only dada lei...(gantihan na ito,hehe)...
kami ni tins ang naatasang bumili ng ticket na medyo kakaiba dahil usually sina ayen at neth ang pumipila...pagpasok pa lang sa fair grounds hinanap ko na ang booth ng flipp at siempre kahit alam ko na naiinis sina tins, ayen at neth eh hinayaan nila akong hanapin ang nasabing booth...pagdating dun dumoble ang dissapointment na aking nararamdaman...wala ang aking mga kaibigan at ka-churvahan sa flipp...nakakalungkot...ang nandun ay si karlo martin at inuukopa ng mga sis niya ang upuan sa loob ng booth...so naglakad lakad ulit kami hoping na may makasalubong na kakilala lalong lalo na mga mayon pips,ngunit wala pa rin...ang sumasalubong samin ay sandamakmak na miyembro ng kulto (well yun ang tawag naman ni tins)...halos wala kang makita dahil lahat naka-black ang mga taong ito...may naka costume pa ni kamatayan na at one point ay nakatabi ni neth...kakatakot...with matching nagtataasang kulot na buhok..freaky talaga!...after nang paglilibot eh bumalik kami sa booth ng flipp at naki-upo...medyo nakakainis nga lang ang pwesto dahil nakaharap ang upuan dun sa table ng mga sis ni karlo martin and well...
maya-maya pa eh dumating ang ibang taga-flipp at sa wakas nakasali rin ako sa tong-its...habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaro eh nagpaalam sakin ang tatlo at maglilibot libot daw sila...okay na sana na medyo nakakasalamuha ko ulit ang mga taga-flipp kaso nga lang di ko maiwasang mag-emote dahil wala pa rin ang aking mga ka-close...
maya-maya pa eh bumalik na si tins at tinapos ko na rin ang paglalaro...hinamon nila ako sa basketbol...well nangulelat lang naman ako dahil ayon nga sa isang tao jan eh baka na-kuconfuse ako kung card o bola ang hawak ko...pero in fairness eh enjoy pala ang larong iyon at nag-mental note ako na next time na lumabas kami ni francis at mapadpad sa toms world o gamezone eh hahamunin ko siya!...ok lang kahit talo enjoy naman...maya maya pa eh sa peryahan naman kami napadpad...baril-barilan naman ang aming napagdisketahan...ang hirap ikasa ng baril na napunta sakin...at natapos ang laro sa isang haw-haw...dahil nakaka-enjoyan na rin lang naman ferris wheel naman ang aming pinagdisketahan...nang magsimula nang umandar ang ferris wheel eh nagsimula na rin kaming mag-concert ni tins sa ere...sabay na sabay ang aming pagsigaw...sobra sa timing,hehe...natakot ako dahil lamang sa isang kadahilanan...baka bumigay ang mga bakal na aming kinauupuan...nakakaloka....finally tumigil siya at natagpuan namin ni tins ang aming sarili sa tuktok...siniko ko si tins dahil di na kumikibo...ang walanghiya at tinakot pa ako...akala ko nahimatay na sa nerbyos...nakakaloka...natagpuan ko ang aking sarili na nakatanaw sa performance ng brownman revival...ang ganda ng view...lalo pa't ang daming tao na sumasayaw at nakataas ang kamay na sumasabay sa kanilang performance...ang ganda talaga ng view...
at kagaya nga ng nasabi ng isang tao jan eh pinagbigyan nila akong kumanta...nagkalakas lang naman ako ng loob nang mapansin kong wala gaanong tao sa bahaging iyon ng fair grounds...maya-maya pa eh nagperform na ang kiko machine at cute pa rin si spiderbatman...sinundan ng parokya na forever banda ng bayan...ng kamikazee na ang tumutugtog eh nagpasya kaming maupo sa may bandang likuran malayo sa maraming tao just in case ng magka-stampede at least malayo di ba...habang tumutugtog ang kamikazee eh sarap na sarap naman kami sa pagkain ng isaw...dapat pala kanina pa kami tumambay dun...at siempre ang mas nakakatuwa para sakin eh ang marinig ang kanta ng kamikazee na Narda...feel na feel ko talaga ang kantang yun...yun nga lang di maka-relate ang aking mga kasama...
ilang isaw later...nagpasya na kaming umuwi...tumambay sa jolibee kung saan nagkwentuhan ng hanggang mga 4 ata ng umaga...dumaan sa mercury para makabili sina ayen ng ipapakain sa amin...this time bago na ang breakfast na sinerve nila sa amin...lomi at sotanghon...improving!
kung wala siguro yung basketball area at peryahan at ang isaw ni manong eh baka di ko na-enjoy yung fair...mabuti na lang bago pa natapos ang fair eh nakahanap kami ng makakapagpasaya samin sa loob ng fair grounds...next time ganun ulit gawin natin...bilhin na natin lahat ng token dun sa basketball at magpapractice ako para next time eh di na ko kulelat noh!
ewan ko lang kung totally masaya yung isang tao jan dahil di nag-appear ang kanyang lovey dovey,hehe.

1 Comments:

  • At 2:06 AM, Blogger mark said…

    hoy di ba sinabi ko naman sa yo na wala kami ng mga ka-close mo sa saturday night ng fair? di ka naman nagreply sa text ko e. may tsismis na naman ako sa iyo.

     

Post a Comment

<< Home