queen of the damned

get to know the real me...read everything about me...

Saturday, March 25, 2006

pay it forward na emote

ito ay isa sa mga pangyayari sa aking buhay na sadyang hinding hindi ko na makakaimutan...

kahapon ang tanging pera na nasa aking bulsa ay P11.50 na pamasahe papuntang guad at 6 pesos na extra...may kukunin akong pera sa western union ng mga panahong iyon...habang nasa jip papuntang guad eh nananalangin ako na sana eh bukas pa yung western union at makuha ko yung pera dahl kung saka-sakali di ko alam kung pano ako makakauwi...mga 4:30 na ko nakarating ng guad...at sa malas ko sarado na ang western union...anak ng tinapay pano ako uuwi...para akong wala sa sarili na umikot sa guad at nag-iisip ng paraan...kelangan ko pa ng 5.50 para makarating ako sa bahay...ano ang gagawin ko?

a. simulan ko nang maglakad at sa awa ng Diyos eh makarating ako sa bahay bago lumalim ang gabi?
b. kapalan ko ang aking mukha at manghingi ng pamasahe sa security guard o mmda traffic enforcer...

naglalakad lakad ako at naisip ko na katangahan kung lalakarin ko ang guad hanggang bcda...kelangang lakasan ko ang loob ko..sa aking paglilibot sa guad eh narating ko ang mrt at nakita ang isang traffic enforcer at nagkataon na walang gaanong tao kaya nilapitan ko siya....tinanong ko muna siya kung pwedeng humingi ng favor...tumango naman siya at saka ko ipinaliwanag ang aking predicament...siguro naman hindi ako mukhang masamang tao kaya ngumiti siya, pumunta sa kinalalagyan ng bag niya, ipinabarya yung P20 niya at binigyan ako ng P5.50...tinanong niya pa ko kung san ako umuuwi...sabi ko pa sa kanya na kung sa monday eh makita ko siya babayaran ko na lang siya...

grabe ang bait ni Lord...nang finally nasa jip na ko...may nakatabi akong matabang babae na sinisiksik ako...gusto kong mainis at magtaray ngunit wala akong karapatan...feeling ko lahat kabutihan lamang ang dapat kong gawin dahil sa mga nangyari...so tiniis ko na masiksik ng babae at inisip ko na lamang kung pano ko masusuklian yung napakabait na traffic enforcer...naisip ko pag nagkapera ako bibigyan ko siya ng Pay it Forward na VCD at thank you note...

napakabait niya at sana mas marami pang kagaya niya...May God Bless him and his family....

2 Comments:

  • At 9:55 PM, Blogger aiene said…

    marami pa rin ngang mga may mabubuting kalooban sa paligid. We're just too judgemental dahil madalas bini-base natin sa itsura ang kagandahan ng kalooban, hehe..

    Nwei, I'm happy that you also learned about "pay it forward". Nangyari din kasi sakin yan.

    I was able to acquire a couple of books needed for my major subjects for free at ang iniwan lang na note ng original owner for me ay "Pay It Forward.". Dahil dun, I was able to pass those subjects...kakatuwa.

     
  • At 2:58 PM, Blogger mark said…

    ang kuripot naman nung mama, kung tutuusin, pwede na nyang ibigay sa yo ng buo yung bente pesos noh! hehehe... at least di ba? wala kang ginawang kabulastugan para makauwi. yun nga lang sinisik ka ng matabang babae.

     

Post a Comment

<< Home